Repatriation

Maraming seafarers ang kumukontak sa amin para sa isyu na may kinalaman sa repatriation, o pag-uwi ng seafarer sa kaniyang bayang pinagmulan. Ayon sa Maritime Labour Convention (2006), karapatan ng isang seafarer na umuwi sa kaniyang bansa nang walang gastos sa kanyang sarili, ayon sa mga sumusunod na tuntunin:

  • kung nag-expire ang employment agreement niya habang nasa abroad;
  • kapag tinerminate ng may-ari ng barko ang employment agreement niya; o mismong ang seafarer ang siyang ang-terminate dito, ayon sa makatwirang mga dahilan; at
  • kapag hindi na kayang maisagawa ng seafarer ang kanyang mga tungkulin sa ilalim ng kanyang kasunduan sa trabaho, o hindi na siya maaasahang maisakatuparan ang mga ito dahil sa sitwasyon o partikular na mga pangyayari.

Matatagpuan sa mga sumusunod na website ang ilang karagdagang impormasyon tungkol sa repatriation at MLC:

The right to be repatriated

Maritime Labour Convention

Huwag kang mag-atubiling kumontak sa SeafarerHelp kung may tanong ka kaugnay sa karapatan mong ma-repatriate, o makauwi sa iyong bansa. 

Kumontak ka sa amin