Kung ikaw ay nalulungkot o nalulumbay
Batid namin sa SeafarerHelp na mahirap para sa mga seafarer na mawalay nang mahabang panahon sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Maaari itong magdulot ng lungkot o pagkabalisa, at isolation o pakiramdam ng pagkakabukod sa iba. Ang kapaligiran sa barko ay maaari ring magpalala sa mga di kanais-nais na mga emosyon. Alam namin na kung minsan, hindi madali o tila ba hindi angkop na ibahagi ang mga probelmang kinakaharap mo sa mga kasamahan mo sa barko. Nauunawaan ng SeafarerHelp team na mahirap harapin ang mga alalahanin mo tungkol sa iyong pamilya at iba pang mga problema sa lubo habang ikaw ay nagtratrabaho sa barko.
Kung ikaw ay nalulungkot o nalulumbay at nais mong may makausap sa sarili mong wika, nandito ang SeafarerHelp team para sa iyo. Maaari mo kaming kontakin 24 oras, anumang araw, buong taon. Nagbibigay kami ng confidential at libreng serbisyo para sa mga seafarer at kanilang pamilya. Kaagapay mo ang
Seafarerhelp. Ano man ang iyong suliranin, handa kaming makinig at umunawa sa iyo. Layunin naming makatulong at mapagaan ang bigat na inyong nararanasan.