Pagpapabaya o Pagaabanduna (Abandonment)

Sa ilalim ng Maritime Labour Convention 2006 (MLC), kailangang magkaroon ng insurance ang mga shipowner para matulungan ang mga seafarer na nasa inabandunang barko.

Alinsunod sa MLC 2006, kinakailangang magkaroon ng kaukulang insurance ang lahat ng barko para na rin sa seguridad ng nga tripolante kapag ito ay inabanduna ng may-ari.

Lahat ng mga barkong may flag na nakarehistro at nasasaklaw ng Convention ay kinakailangang magkaroon ng kaukulang certificate sa barko, sa wikang Ingles. (Matatagpuan ang listahan ng mga bansang nag-ratify sa MLC dito)

Lahat ng barkong sakop ng MLC 2006, na rehistrado sa flag state ng isang bansa at kabilang sa listahan ng mga nag-ratipika sa MLC 2006, ay kailangang magkaroon ng kopya ng nasabing Insurance Certificate sa barko, sa wikang Ingles. Narito ang mga listahan.

Maging maagap kung sa palagay mo ay nanganganib kang maabanduna. Kung wala kang sagot na natatanggap mula sa may-ari ng barko, komontak ka sa kaukulang insurance company (matatagpuan ang mga helpline number sa ibaba).

Kung sa inyong palagay ay nanganganib nang maabanduna ang inyong barko, tumawag agad sa nga sumusunod  na numero. (Narito ang listahan ng mga numero na pwedeng matawagan)

Nangyayari ang abandonment kapag ang may-ari ng barko ay:

·         bigo sa pagbabayad ng mga gastusing kaugnay ng pag-uwi (repatriation) ng seafarer;

·         hindi nagbibigay ng mga kaukulang maintenance at suporta para sa seafarer;

·         pinutol ang kaniyang responsibilidad sa seafarer, kabilang na ang pagkabigong bayaran ang sahod ng seafarer nang hindi bababa sa dalawang buwan

Maaaring sagutin ng insurance ang mga hindi nabayarang sahod at entitlements hanggang apat na buwan, base sa kung ano ang nakasaad sa iyong employment agreement o CBA, kung kaya’t sikaping huwag ipagpaliban ang pagrereklamo. Kapag naghihintay ka nang anim na buwan bago mag-apply, ang nakaraang apat na buwan lamang ang maaari mong makuha bilang backpay.

Kailangan ding sagutin ng insurance ang anumang makatwirang gastusin na may kinalaman sa repatriation, pagkain, damit kung kinakailangan, tirahan, inuming tubig, gasolina na kinakailangan para mabuhay habang nasa barko at pangangailangang medikal. Ang pananagutang ito ay nagsisimula ito mula sa panahon ng pagaabanduna hanggang sa makauwi ang mga seafarer. Nagtatag ang International Group of P&I Clubs ng 24-hour emergency helplines. Matatagpuan ang mga detalye na ito sa insurance certificate na dapat ay madaling makita sa iyong barko. Siguraduhing sumangguni dito. Kung may pagdududa ka kung peke ba ang nakalagay sa insurance certificate, at kung may pangamba kang maaring pinabayaan na ng may-ari ang iyong barko, gamitin ang angkop na helpline sa ibaba:

Mga miyembro ng International Group of P&I Clubs:

Maaari mong i-click ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-abanduna. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa SeafarerHelp team.

Kumontak ka sa amin