Tungkol sa amin

Ang SeafarerHelp ay isang libre, confidential at multilingual na helpline para sa mga seafarer at kanilang pamilya. Bukas kami para maglingkod--24 oras, bawat araw, buong taon.

Ang SeafarerHelp ay serbisyong hatid ng International Seafarers’ Welfare and Assistance Network (ISWAN), isang organisasyong naglalayong itaguyod ang kapakanan ng mga seafarer at ng kanilang mga pamilya.

Nandito kami upang tumulong sa mga seafarer, anuman ang kanilang lahi, relihiyon, kasarian o sekswalidad, ano man ang kanilang problema, at nasaan pa man sila sa mundo. Madaling makipag-ugnayan sa amin dahil may kakayahan kaming makipag-usap sa iba’t ibang pangunahing wika ng mga seafarer. Maaari rin kaming ma-contact sa pamamagitan ng:

  • Email
  • Live Chat
  • Phone (na may callback option, kung saan maaaring mag-request ang seafarer na kami ang tumawag)
  • Facebook
  • Text Message (SMS)
  • Skype

Nirirespeto namin bilang confidential ang bawat pag-uusap, at sinisikap naming gawin ang aming makakaya para makatulong.

Maaari mo kaming kausapin ano man ang nararanasan mo—maging problema man ito sa iyong barko, mga alalahanin tungkol sa iyong pamilya, isyu tungkol sa kalusugan, o kahilingan para sa anumang impormasyon.

Kung nag-aalala ka tungkol sa isang bagay at kailangan mo ng suporta, o kung gusto mo lamang ng makakausap, nandito kami para sa iyo.

Maaaring kailanganin namin ang ilang personal na impormasyon upang makatulong (gaya ng iyong pangalan, nasyonalidad, IMO number ng iyong barko), ngunit hindi namin ito ibabahagi kaninuman nang walang pahintulot mo.


Kumontak ka sa amin