24/7 na tulong, 365 araw sa buong taon.
27 na wika.
Anumang problema, magtanong sa SeafarerHelp.
Napag alaman namin na ang lokasyon mo ay;
Sa mga seafarers na nasa mahirap na kalagayan o nangangailangan ng suporta o tulong, maaring makipag ugnayan sa Seafarerhelp. Ang SeafarerHelp ay libre at konpidensyal na serbisyong dulot ng International Seafarers Assistance Network (ISAN), isang pangkawangawang organisasyon. Nagbibigay ng suporta o tulong ang SeafarerHelp sa mga seafarers sa mga isyong gaya ng pang aapi sa trabaho, hindi nabayaran ang sahod, hindi maayos na kondisyon at kalagayan sa barko o kung nalulungkot at kailangan lang ng makausap. Ang Seafarerhelp ay ganap na libre at konpidensyal para sa lahat ng seafarers at kanilang mga pamilya sa buong mundo. Bukas maglingkod sa mga seafarers 24 oras kada araw, 365 araw kada taon sa anumang wikain kabilang ang Russian, Filipino at Hindi.
Maliban sa pagtulong sa mga seafarers, nagbibigay din ng tulong ang SeafarerHelp sa ibang mga ahensyang pang maritime sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan para makatulong sa paglutas ng mga isyung dinaranas ng mga seafarers kagaya ng mga sumusunod na katugunang aming mga natanggap:
"Nakatangap ako ng tawag galing sa isang seafarer sa Middle East at humihingi ng tulong. Nahihirapan ako na intindihin siya. Tumatawag ako sa ISAN, ibinigay ko ang numero ng mga seafarers at inasikaso nila mismo ang problema."
"Pinahalagahan ko palagi ang tulong na ibinibigay at ang paraan ng kanilang pagtatarato sa mga sumangguni."
"Salamat sa mahalagang serbisyo/kontribusyon sa buhay ng mga seafarers, kailangan talaga nila ng mga tao na nakahandang makinig sa kanila, gaano man kalaki o kaliit na problema."
"Mayroon kaming 8 na computers sa aming Centre, apat ay gamit ang inyong website na home page."
Maraming kahilingan sa pagtulong ay tungkol sa mga simpleng mga problema kagaya ng nawawala na pitaka sa port, pagkakasakit o pagkontak sa pamilya. Ang iba ay mas sensitibong problema kagaya ng paghingi ng payo kong paano kayahin ang pang aaping nararanasan sa barko o reklamo sa sahod at kontrata.
Mayroon ding mga kaso na mabibigat at mahirap unawain. Sa mga kasong pang emergency tumutulong din kami, gaya ng kaso ng isang seafarer na halos maputol na ang paa dahil sa aksidente sa barko, inayos namin ang pag ligtas sa kanya. Tumutulong din ang SeafarerHelp sa mga seafarers na nasa mga barkong inabandona sa mga ports kong saan wala silang sweldo at hindi makauwi sa kanilang bansa sa pamamagitan ng pakikipag ugnay sa mga organisasyon at ahensya na maaring makapagbigay ng praktikal na tulong sa ganoong sitwasyon
Mayroon din kaming natatanggap na mga tawag galing sa mga seafarers na nababalisa at nagtatanong kung naaayon ba sa kontrata nila ang pagsama o di pagsama sa byahe ng kanilang barko kapag ito ay dadaan sa mga delikadong lugar ng karagatan. At mayroon ding mga seafarers na nakikipag ugnayan sa amin pagkatapos nilang dumaan sa trauma ng pambibihag ng mga pirata. Ang sumusunod na kaso ay isa lang sa mga halimbawa ng mga mabuting ginagawa sa team ng SeafarerHelp:
"Nakatanggap kami ng tawag mula sa isang port chaplain sa Pilipinas na nagtatanong kung puede naming matulungan ang isang nasugatang Filipino seafarer habang sakay ng isang cargo ship na kasalukuyang nasa Indian Ocean. Katatapos lang umanong makatanggap ng emergency na tawag ang naturang port chaplain galing sa mga crew members ng barko. Nagkaroon umano ng pagsabog sa engine room at may isang seafarer na nagtamo ng grabeng sugat sa braso. Malapit na umanong maputol ang kanyang braso at matindi ang pagdurugo nito na maari nyang ikamatay. Ibinigay ng port chaplain sa amin ang satellite phone number ng barko at kaagad naman naming itong tinawagan at kinausap ang kapitan na syang nagbigay ng dagliang ulat tungkol sa sitwasyon. Ang lokasyon ng barko noon ay daan daang nautical miles mula sa pinakamalapit na lupa, ang subcontinente ng India.
Inalerto namin agad ang Indian coastguard at niradyuhan naman agad ng naturang coast guard ang barko. Pinaalala nila sa medical officer ng barko ang kanyang nalalaman tungkol sa pagbibigay ng panimulang lunas para maiwasan ang pagkamatay ng nasugatang seafarer sa labis na pagdurugo. Inutusan din nila ang kapitan na palitan ang destinasyon ng barko at patakbuhin ito patungo sa direksyon ng Mumbai kung saan isang Indian coastguard fast boat ang kanilang dagliang pinaalis para salubugin ang barko.
Nang magsalubong ang barko at fast boat sa karagatan, inilipat ang nasugatang seafarer sa fast boat at dinala sya sa Mumbai habang ang barko ay tumungo sa kanyang orihinal na destinasyon. Pagdating sa Mumbai ginamot ang nasugatang seafarer sa isang ospital at makaraan ng isang linggo, inuwi sya sa Pilipinas kung saan sya ay lubusang gumaling."
Ang International Seafarers Assistance Network ay itinatag ng mga kagawad ng mga kawanggawa para sa mga seafarers, unyon ng mga mangagawa at mga shipping employers sa UK. Ang operasyon nito ay nasa London.
Ito ay pinapatakbo ng isang grupo ng voluntaryong mga tagapangasiwa. Ang pondo nito ay nanggagaling sa tatlong charitable foundations na nangangalaga sa kapakanan ng mga seafarers.
Ang aming mga bihasang multi-lingual helpdesk staff ay maaari ring makapagbigay ng serbisyong call-centre sa ibang mga organisasyon kapareho namin ng layunin. Mga katanungan tungkol sa serbisyo na ito ay maaring idirekta sa Executive Director ng ISAN.
Ang inyong bukas palad na donasyon ay makakatulong para maipagpatuloy namin ang mahalagang serbisyo namin sa mga seafarers, sa kanilang mga pamilya at sa ibang mga organisasyon pang maritime. Umaasa kami sa mga voluntaryo na donasyon para maisagawa namin itong napakahalagang serbisyo. Kung walang tulong na galing sa mga taong katulad ninyo, hindi namin maipagpapatuloy ang aming gawain.
Anumang liit o laki ng halagang inyong ibibigay ay makakagawa ng malaking diperensya sa buhay ng mga seafarers. Kung walang tulong galing sa mga taong katulad ninyo, hindi namin maipagpapatuloy ang aming gawain.
Nag text sa;